Tinatayang 10,000 Bacooreño ang inaasahang makatatanggap ng tig-10 kilong bigas sa paglulunsad ng Bawat Bayan Makikinabang Rice Augmentation Program ng Office of the Executive Secretary sa Lungsod ng Bacoor ngayong Hulyo 29.
Isinusulong sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang programa ay bahagi ng Local Government Support Fund (LGSF) na naglalayong palakasin ang food security at magbigay ng tuloy-tuloy na suporta sa mga pamilyang higit na nangangailangan.
Sa pamamagitan nito, makatatanggap ang mga benepisyaryo ng periodical rice ration bilang dagdag na ayuda upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Patunay ang programang ito ng patuloy na pagtupad ng administrasyong Marcos sa layuning matiyak na ang bawat bayan ay nakikinabang sa mga programa at serbisyong direktang nakaaabot sa mamamayan. | via Tricia Bermudez, PIA Cavite
